<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2882557451289488626\x26blogName\x3dsurreal+sunshine\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ladinism.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ladinism.blogspot.com/\x26vt\x3d-8310683373566408828', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
now when i caught myself i had to stop myself
from saying something that i shouldve never thought
just so you know

I'm Dana ♥.twenty-three-slash-thirteen year old supergirl wanna-be. Love me, hate me or geeez whatevaah! :)) And yess, I'm still broken.. broken beyond repair

1 2 3 4 5 6


its ok to shout


ShoutMix chat widget


the likes

IF you wanna be part of my list, just tag me but (there's a big BUT) I won't be adding people who just want to have too many links for their blog exposure.

Awesome: KARLA. AVA. AYIENE. CHRISTINE. AYEE. MARY. LEA. RED. MIMI. LYX.


more clicks

american idol
wentworth miller
house
a mothers blog
gossip girl online

Show my IP address
Friday, February 22, 2008
You're not just a memory, your presence will continue to burn in our hearts


This morning our dearest "Nanay" was laid to rest. Super na late pa kami sa mass dahil tinanghali kami ng gising cos we were so tired for the whole week. All guest were in whites. although it was kinda gloomy and were praying that the weather will be good for us to walk with her. buti nalang mabait talaga si Papa God at sinalubong niya ng sunshine si Nanay :)

First time kong namatayan ng super close sa akin. ganto pala ang feeling when you see them dahan dahan binababa sa ground. masakit kahit na alam naman namin na masaya na siya. ngayon lang ako nagiiyak ng sobra during a wake and burial rites. kasi kahit sa lola ko kalma lang ako eh. kami ni bella at ni max. pero iba kay nanay. lalo na si max, may mga moment na siya lang magisa nalapit kay nanay tapos parang naguusap sila ewan ba. then he'll just turn his back sabay punas ng luha. haay. si nanay kasi iniwan kami eh.


anyway atleast di na siya maghirap at graduate na si nanay sa lahat ng pains dito sa mundo. i guess congratulations nalang ang masabi ko kasi she'll be able to go to a place na there's no more fights, no pains puro happiness lang :) she's now happy for sure yun!


nakakatawa pa kanina nung pauwi na kami, since di nakipaglibing si max dahil nga magiiiyak lang at baka ma-high blood eh kinuwento ko nalang kung ano nangyari. sabi ko "dad. i kissed nanay goodbye pati si mommy" then biglang nagamoy flowers sa loob ng pick up. natahimik kami ni mudra nun kasi wala naman kaming bulaklak or anything eh. we were along multinational ave. nung mga time na yun. sabi ko nalang "kaw talaga nay ah hahatid mo pa kami, pahingaka dyan muna ok lang kami" aba ang tagal pa di nawala tuloy biro ng mommy ko eh kinamusta si max ;) haay nung malapit na kami samin ayun wala na. si nanay talaga comedy eh :)

weh ayoko ng ma-sad kasi basta di maganda yun. anyway, di ko siya makakalimutan. kahit sa anak ng magiging anak ko mababanggit ko siya sa laki ng utang na loob ko nung inalagaan niya ko simula 1 mo. old palang ako. Nay thank you ulit ah. sa lahat lahat. O, natandaan mo ba si frank dinalaw ka niya kagabi di ba pinakilala ko pa. dont wori nag bless siya kila tita chat. :) salamat sa pagmamahal at sa lahat ng binigay mo sa akin pati kay mommy at daddy. mahal ka namin nay, pahinga ka na dyan. o yung secret natin ha wag mo kalimutan! iloveu nay, sobra!

yo! love, dana
|



Yay for Chabz!

Today, marked a very special day for my chabelita :) APRIL ANDREA PURA BENITO, RN ehem di basta basta yan. Yes, she passed the NLE for December 2007. Ang galing galing. Kudos for a job well done! :)

Well April or chabz for me is a very good friend of mine, a great confidante! We became buddies during our third year cos we belong to the same group eh. Kachismisan ko yan at tanungan ng kung ano ano. walking planner kasi yan eh. alam ang skeds, homeworks at kung anu anu pa. Kasama sa hirap, pagod, pang-aasar, iyakan, tawanan, videoke, timezone, mag-fuzion, dance revo, inuman pero minsan lang sa kainan kasi laging diet ang loka! ewan ko ba. click kami nyan agad :) Alam na ang topak ng isa't isa. alam ang timing kung kelan dapat magbiro at di magbiro. Alam ang history ng lovelife, family, kapitbahay at kung sino sino pang pwedeng pagchikahan at interesting ang life!

April is one of the few people I really trust. kapag secret secret! Nasabi ko sakanya lahat ng nraramdaman ko everytime durogdurog at masakit ang heart ko. Ganon din naman siya pag di niya kaya na magtetext na. di siya great pretender like me. isang bagay na sobrang kinabiliban ko sakanya eh yung super pagiging malapit niya kay Big Bro. super madasalin. sakanya ko natutunan na magpray lang parati and everything will be ok. :) (pwede na yang umagpas sa langit) haha. super malapit din siya sa family niya, kay dude, kuya at papa.. kahit sa mga pinsan niya at kung sino pang pwede maging close! friendly ang lola mo no!

sana lang wag magbago ang lahat sa amin kahit RN na siya. :) weh takte ang emote ko! super proud ako sakanya and super masaya. kasi answered prayers na eh. makakatulog na siya ng mahimbing at makakakain ng sobrang dami! alam kong kaya niya. nagfailed man siya once pero she stood up and continued fighting. elibs ako :) kahit iyakin sige given na yun eh. sana ang susunod na eh maging ok ang heart♥ niya. yihee.. ano text ko na ba? hehe :)

basta chabz i lurve you alam mo yan, love ka namin kasama ni dani. :) unti unti ng natutupad ang mga plans mo.. i know maging successful ka in life cos you're a good person. maganda ang karma pabalik niyan. Thank u for always being there. :) Basta walang iwanan kahit ano mangyari. Kampi tayo, tama man o mali. salamat kasi di mo ko binitawan nung mga panahong malapit na ko mag-give up! sa sobrang dami ng problema.. salamat ha! andito lang ako lagi just a text away pag di nakareply its either tulog, o walang load lang! :) available ko lage for you tandaan mo yan! i heart you.. really and promise ko sayo someday you'll see me smiling again. haha :) love-mommy


APRIL ANDREA PURA BENITO, RN
yo! love, dana
|



Friday, February 15, 2008
i love you nanay

Kakauwi ko lang galing hospital. nagbantay ako sa isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. si nanay. actually hindi namin sila (yung family niya) kamag-anak. customer ng mommy ko sa palengke si nanay then eventually naging malapit na kami sa kanya. doon kami tumira sa kanila tapos sila din yung nag-alaga saakin since birth. balak pa daw ako ampunin eh.

Sa kanya ko lumaki, naalala ko pa lahat ng memories ko with her. kapag pinapagupitan ako ng buhok everytime gagraduate ako ng nursery, kinder at prep. :) pinagmamalaki pa nun sa mommy ko na pinagupitan ako. ayun galit na galit naman yung isa dahil parang bunot buhok ko. si nanay talaga. endless ang stocks ng junk foods, chocolates at kung ano ano pang masasarap na pagkain kapag nandoon ang mga apo niya, syempre included ako dun di ako AMPON.. APO ako :)

Hanggang sa pagtanda ko di ko siya nakakalimutan although minsan ko siya lang dinadalaw. pagbirthday niya, pasko o new year o minsan wala lang gusto ko lang siya puntahan. Ngayon tuloy ako nagiguilty. sayang yung panahon na nandyan siya malakas sana lalo kami nagbonding. parang kailan lang talaga malakas siya ngayon nasa hospital na.

She's been confined sa ICU ng Las Piñas Doctors since December 29 of last year. tagal na pagod na si nanay. Her children wanted her to rest na kasi iba na eh. Na cardiac arrest siya nung wednesday ng madaling araw and suffered from brain damage due to lack of oxygen for about 20mins. tagal niya bago narevive. the brain can only last 8 mins of no oxygen supply. eh si nanay almost half an hour. Kaya napagdesisyonan na they'll just give all the medicines that's on her IV fluids and DNR na siya if ever she'll have a cardiac arrest padin. My ninang chat spoke to us and told us everything para daw atleast alam namin. so then parang ok lang para matapos na ang hirap.

We were there right outside the ICU kagabi pa para magbantay. kinakausap namin siya every now and then. Alam namin naririnig niya kami cos she was crying kahit hirap na hirap na huminga. madali lang sa bihin na mamahinga na siya para ok pero ganito pala kahirap pag alam mong naghihintay ka nalang.

while doing this nagtext na si Jhae, kinabahan ako sabi niya "Ate wala na si nanay" natigilan ako tapos iyak nalang. hinintay din niya siguro kami makaalis na kasi alam niya takot kami. sad lang di niya nahintay si tita uel na nasa eroplano na from the states tom. morning ang dating.

Nakakapanghina, although ganon talaga ang buhay wala magawa. sana di siya nagkasakit nalang. para madami pang time na magkakasama kaming lahat. omg nanay ikaw na ang bahala samin. yung mga nirequest ko sayo ha ilakad niyo ko ni choleng Sakanya. yung secret natin ha bantayan mo ko kasi takot ako. Salamat sa lahat lahat. tatanawin kong utang na loob ko sayo yun. hinding hindi kita makakalimutan alam mo yan. mahal kita nay, sobra. payag na ko pudpurin yung buhok ko kahit araw araw. ok lang. thank you nanay ha. thank you. mamimiss kita nanay. mahal na mahal kita. thank you. magiingat kayo doon nila choleng at choluming okie? kamusta mo ko sa lola ko ha! bye nay. alam ko masaya ka na. masaya ka na. thank you.


Lorenza Arcia
July 29, 1937 - February 15, 2008
yo! love, dana
|



Wednesday, February 13, 2008
open letter

Hi.habang nag-lu-lurke ako sa mga lumang pictures, natigilan ako nung sa picture namin ni royal cuteness ang nakadisplay sa screen. JM a.k.a "My Royal Cuteness" who happens to be the partner slash love interest slash hubby ng ex-trainor ko na si Red. OO yun na nga.kung ano nasa isip niyo baka yun na yun. Asaness pa kami ng mga batchmates ko na pwede i-hack minsan si

JM eh kaya lang alam pala ng buong floor ang story nila. haay.


Kay Jm ko nadiscover ang linya na medyo baduy -eto "Alam ko na kung bakit ako hinihika, cos he always takes my breath away" omg. kabaduyan nga naman pero tagos yan. :) Dumating sa point na ang pagka-admire ko sakanya eh pumunta sa next level. Parang high school lang. may kilig factor. I remember lagi pa kong maaga sa Lung centre sa RCBC para lang makita siya. Tapos biglang nagkakasabay sila ni Clifford a.k.a Frank. yari galit mode pa si Frank kasi ang papansin ko daw. :) pero oo talagng minsan natutulala nalang ako sa kanya para mapansin. (kay Jm) haha.


Habang cloud 9 ang pakiramdam ko, iba na ang sinabi sakin ni Karmela with a K. she once texted me with this..


"Dang, not all dreams come true and sometimes habit just wont let go.."


correct. napaisip ako. oo nga no? hay suntok sa buwan at walang mapapala talaga pero para sa akin siya ay kabilang sa mga "someone to look forward to everyday sa office" yung makakasabay mo sa lift tapos ngitian ka lang maganda na ang araw mo na nasira dahil sa mga panget mong katrabaho. :) yung talagang pinipilit mong sabayn ang break time nya para sakto sa pantry area at makasabay ulit sa yosi break. then sa lift ulit. araw araw ganun ang naging routine ko. shet parang tanga, ay hindi baliw pala.
ngayon natatawa nalang ako kasi grabe talaga akong magka-crush. hihi. talagang parang highschool. masarap sa pakiramdam. sana lagi nalang ganun..
Ay. nakita ko pala si JM last last week. kamusta naman natigilan ulit ako tapos namula :) kahiya.
and if ever mabasa ni JM 'to.. waah wag naman pero sige okei lang naka contacts naman 'to eh..


JM,


I am your secret admirer, Ibibigay ko sana ang cake na binigay sakin (ng ex boyfriend ko turn to be my then boyfriend now) dahil monthsary namin yun. kaya lang parang ang panget daw eh pero totoo bibigay ko dapat sayo yun talaga. hihi. :) dapat share pa tayo eh.. Thank you sa mga words mo the last time we went out. dun sa Makati Republik remember? :p sobrang inaadmire kita. Love na nga kita eh. hehe joke lang. thank you talaga. :) salamat at nagbibigay ka ng kulay sa boring kong life sa floor. kahit na muntik ng manenok ng ka-work ko yung fone ni frank dahil nahulog nung nakita kita :) alagaan mo si Red. hehe. (bitter ako)


PS. Di ko magawang tumingin o makipagusap kay Red sa sobrang hiya kasi naman sila Yueh at Gene niloloko pa ko. Sabi pa sakin ni Red "You hug the trash can not me" shet kakahiya :p


♥dang
yo! love, dana
|