Kakauwi ko lang galing hospital. nagbantay ako sa isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. si nanay. actually hindi namin sila (yung family niya) kamag-anak. customer ng mommy ko sa palengke si nanay then eventually naging malapit na kami sa kanya. doon kami tumira sa kanila tapos sila din yung nag-alaga saakin since birth. balak pa daw ako ampunin eh.
Sa kanya ko lumaki, naalala ko pa lahat ng memories ko with her. kapag pinapagupitan ako ng buhok everytime gagraduate ako ng nursery, kinder at prep. :) pinagmamalaki pa nun sa mommy ko na pinagupitan ako. ayun galit na galit naman yung isa dahil parang bunot buhok ko. si nanay talaga. endless ang stocks ng junk foods, chocolates at kung ano ano pang masasarap na pagkain kapag nandoon ang mga apo niya, syempre included ako dun di ako AMPON.. APO ako :)
Hanggang sa pagtanda ko di ko siya nakakalimutan although minsan ko siya lang dinadalaw. pagbirthday niya, pasko o new year o minsan wala lang gusto ko lang siya puntahan. Ngayon tuloy ako nagiguilty. sayang yung panahon na nandyan siya malakas sana lalo kami nagbonding. parang kailan lang talaga malakas siya ngayon nasa hospital na.
She's been confined sa ICU ng Las Piñas Doctors since December 29 of last year. tagal na pagod na si nanay. Her children wanted her to rest na kasi iba na eh. Na cardiac arrest siya nung wednesday ng madaling araw and suffered from brain damage due to lack of oxygen for about 20mins. tagal niya bago narevive. the brain can only last 8 mins of no oxygen supply. eh si nanay almost half an hour. Kaya napagdesisyonan na they'll just give all the medicines that's on her IV fluids and DNR na siya if ever she'll have a cardiac arrest padin. My ninang chat spoke to us and told us everything para daw atleast alam namin. so then parang ok lang para matapos na ang hirap.
We were there right outside the ICU kagabi pa para magbantay. kinakausap namin siya every now and then. Alam namin naririnig niya kami cos she was crying kahit hirap na hirap na huminga. madali lang sa bihin na mamahinga na siya para ok pero ganito pala kahirap pag alam mong naghihintay ka nalang.
while doing this nagtext na si Jhae, kinabahan ako sabi niya "Ate wala na si nanay" natigilan ako tapos iyak nalang. hinintay din niya siguro kami makaalis na kasi alam niya takot kami. sad lang di niya nahintay si tita uel na nasa eroplano na from the states tom. morning ang dating.
Nakakapanghina, although ganon talaga ang buhay wala magawa. sana di siya nagkasakit nalang. para madami pang time na magkakasama kaming lahat. omg nanay ikaw na ang bahala samin. yung mga nirequest ko sayo ha ilakad niyo ko ni choleng Sakanya. yung secret natin ha bantayan mo ko kasi takot ako. Salamat sa lahat lahat. tatanawin kong utang na loob ko sayo yun. hinding hindi kita makakalimutan alam mo yan. mahal kita nay, sobra. payag na ko pudpurin yung buhok ko kahit araw araw. ok lang.
thank you nanay ha. thank you. mamimiss kita nanay. mahal na mahal kita. thank you. magiingat kayo doon nila choleng at choluming okie? kamusta mo ko sa lola ko ha! bye nay. alam ko masaya ka na. masaya ka na. thank you.
Lorenza Arcia
July 29, 1937 - February 15, 2008
yo! love, dana
|