Boyz II Men and insipirasyon ko para sa pamagat ng maikling sulatin na ito :) Ngayong papalapit na ng papalapit ang aking espesyal na araw, napagiisip ko tuloy ang mga bagay bagay na gusto ko. Simple lang naman walang engrande o ano pa man. Ako ay isang mababaw na tao, kahit ano pwede magpaligaya sa akin.
UNA Gusto ko sanang makasama ang aking pamilya. Yun lang. masaya na sigurado yun. wala na kong pwede ireklamo.
PANGALAWA Ninanais kong magkaroon ng isang bagong instrumento na pangkuha ng litrato. Isang HOLGA.
PANGATLO Sobrang gusto kong mabili ang isang panlamig sa MNG. Oo sobrang gusto ko ang problema wala ng kakasya sa akin. Nakakairita
PANGAPAT Gusto ko ng tinapay na nakamolde ka kopa. Katulad ng ibinibenta ni Kate. Gusto ko mga tatlumpo piraso o higit pa.
PANGLIMA Sana ay magkatotoo lahat ng hiniling ko Sa kanya. Pero kung ayaw Niya ok lang. Maintindihan ko. Alam ko na alam Niya ang nararapat sa akin.
Sa susunod na kaarawan ko sana eh mas masaya pa :)
Jusme, Ganto pala talaga kahirap gumawa ng isang sanaysay na puro tagalog. Pero ewan pag puro ingles naman eh ganoon din. Syet.
yo! love, dana
|